Nais
Nais kong tumibok ang puso
At mabuhay sa iyong pagsuyo,
Kung gaanong nais ng dagat ang umalon,
Ganoon ko nais na sa piling mo’y paampon.
Nais kong hawakan ka
At maglakbay na lagi na,
Kung gaanong nais ng hanging hipan ang ulap,
Ganoon ko nais na ikaw ay mayakap.
Nais kong ‘wag kang lumayo
At pagpitik ng damdamin ay ‘wag huminto,
Kung gaanong nais ng halaman ang tubig,
Ganoon ko nais na sa iyo ay umibig.
Nais kong sa pagtanda’y kasama ka
At ‘di na muling mag-iisa,
Na kung gaanong nais ng ibong lumipad,
Ganoon ko nais na mundo ko ay umusad.
-gerald
01 November 2007
. . .

Filed under: poem | 28 Comments
Tags: love, pag-ibig, poem, tula
@ 22
twenty two years ago, i was born in a subdivision’s pump house. there i was raised until i reached seven.
yesterday, eleventh day of the eleventh month, i celebrated my twenty-second birthday and thanksgiving party for passing the board exam. it was for the very first time that my birthday was celebrated with a lot of visitors whom includes our relatives, close friends (and even the friends of our close friends), neighbors, and many others.
it was another stunning moment of my life, that at the age of 22, i’ve reached what i’ve dreamt of. i’m so glad that i’ve made my parents and the whole family extremely joyful and proud of me. all the sacrifices materialized.
…and again, all the glory be unto God.
. . .



. . .
P.S. thanks to mama & papa, to ate & amy, to aiko, and tito emil & tita nila, and tita perla, and ka chit, and to all those who helped in preparing for the event. =)
. . .
Filed under: bert's day, engineer | 21 Comments
Tags: 22, birthday, gerald dela cruz, thanksgiving party
now an electronics engineer…
a movie director, Francis Ford Coppola, once said,
time is the lens through which dreams are captured
after five and a half years of hardships and determination, i have finally captured one of mine.
indeed, it was a sensational victory. it was because i knew i have pushed myself so hard but then taking the board exam made me feel quite unready, yet prayers had a deliberate effect and God lift me to where i am today. and so before anything, glory be unto God.
out of 4,322 ECE graduates who took the board exam last october 26 & 27, only 1131 was able to grab the victory. twenty six percent passing percentage. (normally, ece board exams have 30% passing percentage)
and out of 22 board takers from our university, only 5 of us made it. sadly.
. . .
. . .
after thanking our Father in Heaven, i would then thank my parents, mama at papa, for their undying support (as in). to my tita penny (who resides in manhattan, new york) for her extreme financial support for every single thing that i need. to my sisters, ate & amy. also to my relatives who are always saying that i can do it. to my housemates in manila. to may classmates. and to EDGE review center.
. . .
as what i have written in my previous post, “God will pursue His purpose for me.” He just pursued it. and still pursuing it for me.
. . .
Filed under: board exam review, engineer | 15 Comments
Tags: board passer, ece, ece board exam october 2009, edge review center, engineer, success
chronicles on ondoy
España, Manila | Sept. 26España, Manila | Sept. 26
nagsimula ang malakas na ulan na nagresulta sa mataas na tubig hindi lang sa españa kundi sa mga kalye samen tulad ng galicia st. at p. noval. buti na lang at nasa 3rd floor ang apartment na tinitirhan ko. 3pm na nung biglang nawala ang kuryente. naputol na ang pagrere
ivew ko.
7pm. naisipan namin ni rob na lumusong na muna sa baha para bumili ng pagkain. halos hanggang bewang ang tubig sa galicia at p.noval. hanggang dibdib naman ang tubig sa españa. lubog na ang mga sasakyan, windshield na lang ang nakikita.
España, Manila | Sept. 27
gumising ako ng 7am para tingnan kung mababa na ang tubig dahil sasamba ako. wala nang tubig sa st. namen, san perfecto. pero pagdating ko sa p.noval, hanggang tuhod pa pala, at nalaman ko na hanggang bewang pa ang tubig sa españa. bumalik na lang ako at naghintay.
walang kuryente. walang tubig. walang komunikasyon. walang balita. ni hindi ko man lang alam ang pangalan ng bagyo.
12pm na nang maisipan ko nang umuwi. si rob at jazen sumabay narin. nag LRT kame at naghiwalay na kame dahil bumaba sila sa katipunan station. nakarating ako sa santolan station hanggang sa nalaman ko na lang na wala pala ‘kong masasakyan.
Cainta, Rizal | Sept. 27
sumabay ako sa mga naglalakad hanggang sa makarating ako sa sta. lucia mall. nakita ko ang maraming tao na naghahantay. ng ano? hindi ko alam. siguro hinihintay nilang magsimula nang makagapang ang mga sasakyan. tinuloy ko ang paglalakad.
bago pa ako makalayo sa sta. lucia, nagsimula ko nang maramdaman ang mga sugat ko sa paa dahil sa tsinelas. tiniis ko muna. hanggang sa makarating na ‘ko sa karangalan at nagsimula nang lumusong sa hanggang tuhod na baha. hanggang sa ang hanggang tuhod na baha ay naging hanggang bewang na. hanggang sa ang hanggang bewang na baha ay hanggang dibdib na.
isa lang ang nasa isip ko. ang makauwi. at kung kaya pa ay makahabol sa pagsamba. iniingatan ko rin na wag mabasa ang dala kong backpack na puno ng mga damit (na labahin) at mga reviewers ko.
nung nasa kalagitnaan na ‘ko ng karangalan sa cainta, nakita ko ang delubyong hatid ng bagyong hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi ko alam ang pangalan. lubog ang mga sasakyan. lubog ang mga establishments. lubog ang mga bahay. kasama pang nagbibigay ng delubyo ang pag-agos ng tubig sa ibang parte ng karangalan na siguradong kayang kumitil ng mga buhay. mabuti na lang at may mga tao na naglagay na ng mga lubid na pwedeng kapitan para wag kaming matangay ng agos.
bago ko pa dinanas yan ay nakasalubong ko pa ang mga tao na bumabalik na at sinasabi na “grabe ung lalim dun! lakas pa ng alon. hindi namen kaya lumusong kaya bumalik na lang kame.” medyo panghihinaan ka pag narinig mo ‘yon. napahinto ako at napaisip kung itutuloy ko ang paglusong sa baha. nakita ko na lang ang sarili ko na lubog parin sa tubig baha at nagsisimula nang maglakad ulit.
nakarating ako sa village east at ang tubig ay hanggang lagpas bewang narin. nagsisimula nang sumakit ang paa ko. dagdag pa ang hapdi na dulot ng mga sugat. tuloy parin ang lakad.
nakarating ako sa junction, cainta. masarap narin sa pakiramdam dahil alam kong mga 30 minutes na lakad ay nasa valley golf na ko, at isang sakay na lang ay nasa bahay na. hanggang bewang ang tubig sa junction pero naging hanggang tuhod na lang pagdating sa tapat ng meralco. hanggang sa mawala ang tubig. pero nang makarating na ‘ko sa kasibulan village, delubyo nanaman. hanggang lagpas bewang nanaman ang dinanas kong baha. ang malala pa eh amoy gaas na ang tubig. galing ata sa mga trak na na-stranded.
nalagpasan ko ang mga baha at narating ko ang don mariano subdivision, nagkita kame ng dati kong kaklase. kumain muna kame sa mini stop sa valley golf at nagkwentuhan pa. awang awa sya sa itsura ko. hindi ko sya masisisi, kahit ako awang awa din sa sarili ko. nakapaa parin ako dahil hindi ko maisuot ang tsinelas ko dahil sa mga sugat.
naghiwalay na kame at nang sasakay na ‘ko ng valley view service, nakita ko si papa at ate, naka motor. nagulat sila at sabing kagabi pa sila nag-aalala saken. alalang-alala na daw pati mga kamag-anak namen. tumawag na daw sila pati sa may-ari ng apartment na inuupahan ko. at na touch naman ako. =)
. . .
ang totoo, konti lang ang dinanas kong hirap kung ikukumpara sa iba pa nating kababayan. may mga nawalan ng ari-arian. mga nawalan ng bahay. at ang pinakamasaklap sa lahat, may mga binawian pa ng buhay. marami.
hanggang sa mga oras na isinusulat ko ang post na ‘to (sa notepad muna dahil wala paring internet), marami paring mga pilipino ang nagtitiis parin ng gutom dahil sa pagka-stranded sa kani-kanilang mga lugar. naghihintay, at naghihintay lang sa pag-asang may makakarating na rescue team sa kanila.
mabuti na lang at maraming mga pilipinong may kakayanang tumulong ang nag-aabot ng kanilang mga kamay para sa mga kababayan nating nasalanta. at ako, ang panalangin na sana ay mabilis tayong makabangon sa delubyong dinanas ng ating bansa.
[written: sept. 27, 09 | 7:39pm]
Filed under: chronicles | 9 Comments
Tags: bagyo, baha, cainta, delubyo, españa, ondoy, tragedy, typhoon
Recent Entries
Categories
- bert's day (3)
- board exam review (9)
- chronicles (1)
- deskmod (1)
- engineer (2)
- gray (6)
- gupit binata (1)
- Iglesia ni Cristo (4)
- poem (6)

